BAGONG ESCODA SUBSTATION NG MERALCO

BAGONG ESCODA SUBSTATION NG MERALCO – Pinasinayaan kamakailan ng Meralco ang kanilang bagong Escoda Gas-Insulated Switchgear (GIS) substation na tutulong upang mapababa ang load ng mga transformer banks sa Paco substation at Tegen substation. Bahagi ng proyektong ito pag-commission ng bagong 83-MVA power transformer bank at mga bagong distribution feeders. Matatagpuan ang substation sa kahabaan ng Escoda Street F. Agoncilllo Street sa Malate, Manila na siyang magbibigay ng karagdagang kapasidad at makatutulong na mapabuti ang switching flexibility sa lungsod ng Maynila, partikular sa lugar ng Ermita, Malate, Paco, San Miguel, Quiapo, at bahagi ng Sampaloc at Pandacan. Walang tigil ang Meralco at ang mga subsidiaries nito sa pagsasagawa ng mga proyekto na makakapagpabuti sa distribution system upang tuluy-tuloy na makapaghatid ng ligtas, sapat, reliable at sustainable na serbisyo ng kuryente sa lahat ng mga customers.