BAGONG FLIGHT SA CLARK, HK BINUKSAN NA SA PALAWAN AT DAVAO

CAAP

MAGKASABAY na binuksan kahapon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kauna-unahang flight ng San Vicente Airport sa Palawan patungo sa  Clark  at Francisco Bangoy International Airport sa Davao, patungong  Hongkong, at vice versa.

Ang Cathay Dragon ay mayroong apat na flight mula Davao patungong Hong Kong tuwing mga araw ng Martes, Miyerkoles, Biyernes at Linggo gamit ang Airbus A320 at darating naman ito  sa Davao bandang alas-3:50 ng hapon galing sa Hong Kong.

Samantala, binuksan din  ng CAAP ang regular flight  ng  Philippine Airlines (PAL) sa  San Vicente Airport  sa Palawan dalawang beses sa isang linggo patungo sa Clark.

Gamit ng PAL ang kanilang bagong 86 seater Q400s na mayroong anim na economy seats at 80 economy class seats  kasama  ang roomy cabin layout habang nagbibiyahe.

Binuksan ang panibagong flight ng PAL upang hindi na mahirapan ang mga domestic traveller at makaiwas sa decongestion sa  Ninoy Aquino International Airport  (NAIA).

Dagdag pa ng CAAP na ang pagbubukas ng panibagong flight  ng  PAL ang magiging daan sa pag-unlad ng turismo sa Palawan.  FROI MORALLOS