INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na magkakaroon ng bagong format para sa COVID-19 case bulletin simula sa Lunes.
Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, wala namang dapat ipag-alala ang publiko sa bagong format ng case bulletin dahil lahat ng mga kailangang impormasyon ay nakalagay dito.
Ipinaliwanag ni Vergeire, nagpasya ang DOH na baguhin ang format ng case bulletin upang mas maintindihan ng publiko ang update sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Simula sa Lunes ay isang pahina na lamang ang COVID-19 case bulletin, mas “handy” at kumpleto o siksik ito sa mga detalye.
Samantala, ang iba namang kailangan pang impormasyon ay ilalathala o ilalabas sa iba pang publications ng DOH gaya sa kanilang tracker o COVID-19 Philippine Situationer.
Tiniyak naman ni Vergeire na walang mawawalang mahalagang impormasyon kaugnay sa patuloy na pagtutok ng DOH sa COVID-19 kahit pa magbago ang format ng case bulletin. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.