CAVITE – NANUMPA na si Vice Gov. Athena Tolentino bilang bagong gobernador ng lalawigang ito, kahapon, Oktubre 8.
Kasunod ito ng pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Gov. Juan Victor Remulla bilang bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at kahapon din ng umaga ay nanumpa na sa Malacañang. Si Tolentino ang naitalang pinaka-unang babae at pinakabatang gobernador sa buong kasaysayan ng Cavite.
SID SAMANIEGO