BAGONG HALAL NA KAGAWAD SUGATAN SA PAMAMARIL

DAVAO DEL NORTE- PINAGBABARIL ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang bagong halal na Barangay Kagawad sa loob ng kanyang tindahan sa Purok Mahogany, Brgy. Sawata, San Isidro kahapon ng umaga araw sa lalawigang ito.

Batay sa report ng pulisya ang biktima ay kinilalang si Jay Glen Dela Rama, retiradong miyembro ng Philippine Army, negosyante at kahapon lang ay nanumpa bilang elected barangay kagawad ng nasabing Barangay.

Lumitaw sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, bigla na lamang pumasok ang suspek sa loob ng tindahan at pinagbabaril ang biktima bago tumakas ang suspek na sumakay sa naghihintay na Yamaha aerox motorcycle na walang plate number na minamaneho kasama nito.

Agad namang isinugod ang biktima sa pagamutan ang para malapatan ng paunang lunas.

Nakaligtas naman ang biktima sa tiyak na kamatayan.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ng pulisya upang tukuyin ang tunay na motibo at kung sino ang responsable sa naturang pamamaril.
EVELYN GARCIA