QUEZON CITY – UMARANGKADA na ang pagtuturo o briefing ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga bagong halal o newly-elected officials (NEO) upang maisakatuparan ang magandang pamamalakad sa kanilang nasasakupan.
Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang NEO orientation program kabilang ang re-elected rovincial governors ay pag-sasanay at hamon para mapabuti pa ang pamamahala ng mga ito.
“We have made great leaps but we will have mountains to hurdle. As the highest level of local government units (LGUs), provinces are demanded to step up in the fight against illegal drugs, insurgency, and corruption,” sinabi ni Año.
Hinimok din ng kalihim ang mga bagong halal at re-elected na isulong pa ang pag-asenso ng kanilang nasasakupan.
Ang tatlong araw na orientation course ay naglalayon din na maging mas epektibo ang governance. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.