BAGONG HELICOPTER ASAM NG PRO-2

bernard banac

CAGAYAN – SA pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Lt, Gen. Archie Gamboa bilang PNP chief ay posible na umanong matuloy ang matagal na ninanais na makatanggap ang Police Regional Office 2 ng isang helicopter ngayong 2020.

Ito ay sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac sa kayang pagbisita sa nasabing rehiyon, pangunahin na ang Camp Marcelo A. Adduro, Tuguegarao City, Cagayan, Police Regional Office 2.

Ayon kay Banac, nasa proseso na ang national headquarters sa pagbili ng karagdagang helicopters na ipapamahagi sa iba’t ibang regional police unit sa buong bansa at posib­leng isa ang PRO 2 sa mabibigyan, kung saan ay magagamit ng kapulisan sa kanilang operasyon kontra kriminalidad.

Mga aktibidad at mabilisang pagresponde sa anumang magaganap na trahedya logistic support at iba pang pangangaila­ngan sa himpapawid sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Gayunman, sinabi ni Banac na kailangan pang pag-aralan ang distribusyon ng mabibiling helicopter na gagamitin ng PNP sa kanilang operasyon kontra kriminalidad, logistic support at iba pang pangangailangan sa panghimpapawid tulad ng rescue operation sa panahon ng sakuna o mga ka­lamidad. IRENE GONZALES

Comments are closed.