ni Riza Zuniga
NAGTALAGA na ng bagong Officer-in-Charge, Office of the Assistant Schools Division Superintendent (OIC-ASDS) ang lungsod ng Mandaluyong mula sa talaan ng Division Memorandum No.340, S. of 2024.
Ang bagong hirang na OIC-ASDS ay galing sa lungsod ng Pasig, isang Principal mula sa Pasig City Science High School (PCSHS).
Si Charlie O. Fababaer, ang nakatalagang maging OIC-ASDS ng Mandaluyong City, ay may Career Executive Service Eligibility (CESE) noong ika-26 ng Nobyembre. Naipasa ang National Qualification for School Heads (NQESH) at ang nag-rank 1 sa NCR at rank 5 sa National noong ika-9 ng Disyembre 2018.
Sa napakagandang resulta ng Pasig City Science High School na nakamit ang pang-limang rank (Top 5) sa Grade 10 National Achievement Test (NAT) mula sa awarding ceremony sa Department of Education – National Capital Region, ang PCSHS ay nakatanggap din ng pagkilala bilang ikatlong Top Performing Schools Division Office – Pasig City para pa rin sa Grade 10 NAT ng pareho ring School Year.
Si Fababaer ay nagawaran ng Division Outstanding School Head ng Division ng Pasig City; Outstanding Rotary Club President, Rotary International District 3800; at Best Research Presenter, International Conference on Multidisciplinary Research.
Makakasama ni Fababaer ang namumuno sa lungsod na si Dr. Romela M. Cruz, CESO VI, Schools Division Superintentendent ng Mandaluyong CIty.