BAGONG HOSPITAL SA MALABON PINASINAYAAN

San Lorenzo Ruiz General Hospital

PINASINAYAAN ni Presidente Rodrigo Duterte ang ground breaking ceremony ng kauna-unahan at pinakabagong San Lorenzo Ruiz General Hospital sa Lungsod ng Malabon, kasama sina Malabon City Vice Mayor Jeannie Sandoval at Congressman Federico “Ricky” Sandoval II.

Ito’y magbibigay ng dekalidad na serbisyong ng pangkalusugan sa mamayan ng Malabon at kalapit na lugar nito sa Caloocan, Navotas, Valenzuela at iba pang residente ng Bulacan.

Ang San Lorenzo Ruiz Women’s Hospital na mayroon lamang 10 kama ay itinatag noong Marso 1980, ito ang pinakamaliit na pampublikong ospital sa National Capital Region na nagseserbisyo sa mga kababaihan at kabataan.

Sa kagustuhan na palakihin at ibalik ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa Malabon, iniakda ni Cong. Sandoval kasama si Vice Mayor Jeannie ang panukalang batas 5791 noong 2017 na naglalayong palitan ang San Lorenzo Ruiz Women Hospital sa San Lorenzo Ruiz General Hospital na itatayo sa Barangay Panghulo. VICK TANES

Comments are closed.