BAGONG IMMIGRATION LAW HINIHILING NG BI SA MGA MAMBABATAS  

Commissioner Jaime Morente-6

HINIHILING ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa mga mambabatas na ipasa ang bagong immigration law, upang maipatupad ang kanilang mandato partikular na sa pagsingil sa delinquent airline companies.

Ito ay  matapos ang obserbasyon ng Commission on Audit (COA) sa kanilang 2019 audit report na mayroon silang mga receivable mula sa mga airlines companies na aabot sa P272 milyon na hindi pa nababayaran ng mga ito.

Ayon kay Morente, sa ilalim ng Section 44 ng Immigration Act nakasaad na lahat ng mga sakay ng mga barko o eroplano na walang mga dokumento, ay may karampatang penalty  na P500  bawat isa.

Tumaas pa ito noong taon 1999, kung saan umabot ng P50,000 ang penalty ng bawat ilegal alien noong kapanahunan ni dating BI Commissioner Rufus B. Rodriguez, makaraang aprobahan ni dating Department of Justice (DOJ) Secretary Serafin Cuevas.

Ngunit ibinalik din ito sa P500 noong  2016 ni dating DOJ Secretary Emmanuel Caparas matapos mag-isyu ito ng isang circular na nag-aatras sa BI na ibalik sa P500 ang sinhil makaraang batikusin ng  airlines companies ang legalidad ng 1999 memorandum. FROI MORALLOS

Comments are closed.