IPINATUTUPAD ngayon ng Philippine National Police (PNP) lalo na ang kanilang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang bagong kampanya laban as iregularidad sa kanilang mga tauhan.
Ito ang paggamit ng mga kumpiskadong sasakyan na taliwas sa kanilang dapat na ginagawa bilang alagad ng batas.
Kaya naman, pinaigting pa ng PNP ang kampanya laban sa mga nagmamaneho ng mga nakumpiskang sasakyan at motorsiklo sa kanilang hanay, partikular na ang mga ginagamit bilang ebidensiya sa mga kasong kriminal.
Ayon kay IMEG Chief Brig. Gen. Warren de Leon, simula noong Enero 27 ay nagsasagawa na ng lockdown ang kanilang tanggapan at ang Highway Patrol Group (HPG) sa ilang kampo ng pulisya.
Sinabi ni De Leon na may mga nahuling sibilyan at pulis na gumagamit ng mga pasong rehistro, walang plaka, o may nakakabit na improvised plate sa kanilang sasakyan.
Samantala, nilinaw ni De Leon na bahagi pa rin ito ng internal cleansing program ng buong organisasyon.
EUNICE CELARIO