NASA 1,658 ang panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes (Pebrero 1), umabot na sa 527,272 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 28,891 o 5.5 porsiyento ang aktibong kaso.
88.5 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.3 porsiyento ang asymptomatic; 0.56 porsyento ang moderate; 2.7 porsyento ang severe habang 3.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 58 ang napaulat na bagong nasawi kaya umakyat na sa 10,807 o 2.05 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 27 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 487,574 o 92.5 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.
Comments are closed.