BAGONG KASO NG COVID-19, 37,153: GUMALING, 30,037

INIANUNSIYO  ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo na karagdagang 37,153 ang tinamaan ng COVID 19 sa bansa.

Dahi dito, 3,205, 396 na ang kabuuang bilang ng naitalang COVID 19 cases sa bansa simula noong 2020.

Naitala 30,037 naman ang gumaling sa sakit at may 50 ang namatay.

Kabuuang 2,864,633 na ang gumaling sa sakit, samantalang lumobo sa 52,907 naman ang namatay.

Sa nakalipas na dalawang linggo, nangunguna pa rin ang Metro Manila sa may pinakamaraming naitalang mga bagong kaso sa 15,591 o 43 porsiyento, sinundan ng Calabarzon sa 8,384 o 23 porsiyento at Central Luzon sa 3,232 o siyam na porsiyento.