BAGONG KASO NG COVID-19 SA PH WALA PANG 1K

DOH

MABABA  sa 1,000 ang panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH)  araw ng Miyerkoles, Nobyembre 4, may 987 bagong kaso ang iniulat kaya  umabot na sa 388,137 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 31,679 o 8.2 porsiyento ang aktibong kaso.

82.6 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 10.1 porsyento ang asymptomatic; 2.6 porsyento ang severe habang 4.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 49 pasyente naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 7,367 o 1.90 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 140 ang gumaling pa sa COVID-19 kaya umakyat na sa 349,091 o 89.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.

Comments are closed.