BAGONG LAGUSNILAD UNDERPASS MALAPIT NANG MADAANAN

Lagunislad

MAYNILA-MALAPIT nang madaanan ang modernong Lagunislad, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno.

“May krisis man o wala, tuloy ang gobyerno. Soon, we will unveil the new Lagusnilad Underpass,” pahayag ni Moreno kamakailan sa kanyang regular na pag-eere ng Capital Report sa FaceBook live.

Ginawang espesyal ang disenyo upang maging maganda, presko at kahali-halina ang bubuksang Lagusnilad Underpass.

Matatandaan na bago nagkaroon ng pandemya ay  binuksan ni Moreno sa publiko ang interactive colorful dancing fountain sa mismong harap ng Bonifacio Shrine kung saan ito ang naging bagong atraksyon sa lungsod at dinadayo ng mga lokal na turista, bukod pa sa bagong renovate na Jones Bridge.

Dahil dito ay labis-labis ang naging pasasalamat ng alkalde kay Department of Engineering and Public Works (DEPW) sa pangunguna ni City Engineer Armand Andres na siyang nanguna sa pagbabagong bihis ng Lagusnilad Underpass. VERLIN RUIZ

Comments are closed.