BAGONG LANES BINUKSAN SA SLEX

SLEX-1

MULING binuksan ng San Miguel Corporation (SMC) ang third at-grade lane ng  Skyway at pinasinayaan ang bagong two-lane steel ramp na nagkokonekta sa  Alabang viaduct sa elevated Skyway.

Ang karagdagang lanes ay inaasahang magpapaluwag sa daloy ng trapiko sa  South Luzon Expressway (SLEX) habang nagpapatuloy ang konstruksiyon ng Skyway Extension project.

Pinangunahan nina SMC president and chief operating officer Ramon S. Ang, Department of Public Works and High-ways (DPWH) Secretary Mark Villar, Department of Transportation (DoTR) Secretary Arthur Tugade, at Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi ang opening rites kahapon ng umaga.

Pinasalamatan ni Ang sina Villar, Tugade at Fresnedi sa pagkakaloob ng lahat ng kinakailangang suporta upang masiguro na mabubuksan ang karagdagang lanes bago ang Christmas rush, isang pangako na kanyang binitiwan sa pagsisimula ng konstruksiyon.

“I know that our motorists from the south—Muntinlupa, Las Pinas, Cavite, Laguna, Batangas—have a hard time these past two months. Again, I sincerely apologize for the inconvenience this project has caused. Starting today, motorists from SLEX will have up to five lanes northbound during rush hours. This is already a big improvement from just three lanes at the viaduct, before the start of construction,” aniya.

“It is largely because of Secretary Villar and Secretary Tugade that we are able to open the new ramp and the third lane today,” ani Ang, at sinabing nagpahiram pa ang DPWH ng construction materials para sa steel bridge.

Ang Skyway Extension project ay isang P10 billion initiative ng SMC na mag-e-extend sa Skyway mula Alabang hanggang SLEX malapit sa Susana Heights at sa Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX).

Ang proyekto ay magbibigay-daan sa karagdagang kapasidad na 4,500 sasakyan kada oras sa northbound, at karagdagang 3,000 sasakyan kada oras sa  southbound.

Sa ipinatutupad na traffic measures, sinabi ni Ang na uusad na ang konstruksiyon ng Skyway Extension.

Humingi pa siya ng pang-unawa ng publiko.

“Mga kababayan, ginagawa po naming ang lahat para mapabilis ang trabaho, at mapaganda ang daloy ng trapiko. Mahirap, pero kailangan gawin. Hindi na po uubra ang reme-remedyo lamang. Ang kailangan po natin, pang-matagalang solusyon.”

“We all deserve better, and we will work to give you better,” dagdag ni Ang.        PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.