BAGONG LAWYERS HINIMOK MAGTRABAHO SA GOBYERNO

Presidential Spokesman Salvador ­Panelo-1

HINIMOK ng Malakanyang ang mga nakapasa sa 2018 Bar Exam na su­bukang mag-trabaho at manilbihan sa gobyerno.

Ito ang naging Mensahe ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos ilabas ng Korte Suprema ang resulta ng 2018 bar examination.

Ayon kay Panelo, dapat ikonsidera ng mga magiging bagong abogado ang trabaho sa gobyerno gayong isa sa kanilang mga tungkulin ang depensahan ang karapatan ng mga naaapi.

Kasabay nito, nagpaabot naman ng pagbati ang Office Of The Solicitor General (OSG)  at Associate Justice Marvic Leonen ng Supreme Court (SC) sa mga nakapasa sa naturang pagsusulit.

Ayon kay Leonen, dapat pahalagahan ng mga bagong abogado ang karangalan ng kanilang propesyon.

Samantala, nasa 22.7 percent naman ang passing rate o katumbas ng 1,855 ang nakapasa sa 2018 Bar Exam mula sa 8,055  ku-muha ng natu­rang pagsusulit.

Kaugnay nito, sinabi naman ni 2018 Bar Exam Chairman at SC Justice Mariano Del Castillo na gaganapin ang oath taking para sa mga bagong abogado sa darating na Hunyo 13.      DWIZ 882

Comments are closed.