NAGLABAS ang pamahalaan ng panibagong listahan ng mga lugar na isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay batay na rin sa naging pulong ng Inter Agency Task Force (IATF) nitong Lunes.
Dahil dito, tanging ang mga sumusunod na lugar na lamang ang ilalagay sa ECQ: National Capital Region, Buong Central Luzon, maliban sa Aurora,
mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon (Calabarzon), Pangasinan, Benguet, Baguio City, lalawigan ng Iloilo, lalawigan ng Cebu, at Davao City.
Ayon pa sa IATF, ilalagay na lamang ang ibang bahagi ng bansa sa general community quarantine (GCQ) hanggang sa Mayo 15 upang matiyak pa rin ang kalusugan ng publiko.
Sa ilalim ng GCQ, papayagan na ang muling operasyon ng mga pampublikong transportasyon at partial opening ng mga establisyemento at iba pang mga negosyo. DWIZ882
Comments are closed.