BAGONG LOGO, THEME AT JINGLE NG BIR INILUNSAD

BIR NEW THEME

PASIG CITY – INILUNSAD ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang bago nilang logo kung saan kabilang ang PILIPINO Mirror noong Lunes sa Revenue District Office 43-A para isapubliko ang kanilang bagong logo at theme na “Para Sa Inyo, Maging Tapat Tayo, Serbisyong Tapat, Buwis na Sapat”.

Ang bagong logo ng kawanihan ay larawan nang nagkamayan sa loob ng korteng puso na may kulay asul at pula habang sa itaas ay may tatlong li-wanag ng araw na kulay dilaw.

Sa panayam kay Re­venue District Officer 43-A Rufo Ranario, sumasagisag ang logo sa pagbibigay ng kahusayan (excellent), tapat (faithtful), taos puso (sincere) at may dedikasyon sa serbisyo kaya namang asahan na magbabayad ng sapat na buwis ang kanilang partner.

Ang kulay pula at asul na korteng puso ay simbolo ng “katapatan” sa obligasyon ng BIR employee at ng mga tax payer. Ang kamayan o handshak-ing  ay isang kilos o pahiwatig  na nagkakaroon ng koneksiyon ang BIR at taxpayers para maging faithful o tapat sa kanilang obligasyon.

Habang ang sikat ng araw (rising sun)  ay simbolo ng pag-unlad at pag-asenso sa pamumuhay ng Filipino sa pamamagitan ng masiglang tax collec-tion at pagbabayad ng tama na magpapalakas sa serbisyo ng pamahalaan gaya ng mga proyektong imprastraktura, edukasyon, kalusugan at seguridad.

Sinabi ni Ranario na ang bagong kampanya sa pagbubuwis ay upang ma­ging committed ang kapuwa kawani ng kagawaran na magreresulta para mahawa o makahikayat din sa mga nagbubuwis na maging tapat para sa kanilang obligasyon ng pagbabayad.

“Kung kami ay tapat sa serbisyo, mahihila namin ang mga tax payer para magbuwis ng sapat,” ayon pa kay Ranario.

Bukod sa logo at tema para sa taong 2019, ipinarinig din ang bagong jingle ng kawanihan na may titulong “Para Sa Iyo” na isinulat at inawit ni Lito Camo na ang mensahe ay angkop sa 2019 BIR Theme and Logo.

TRAIN LAW NAKATULONG SA KOLEKSIYON

Samantala, sinabi ni Ranario na malaki ang tulong sa kanilang koleksiyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na ipinatu-pad noong isang taon.

Aniya, dahil sa magandang koleksiyon, magkakaroon ng sapat na pondo para sa Build Build Build ng pamahalaan na layuning pondohan ang infra-structure projects, gaya ng pagtatayo ng mga paaralan, tulay, kalsada at mga pasilidad,  serbisyo sa pamamagitan ng pagkuha ng mga guro, at health personnel gayundin ang pagkakaroon ng mga sundalo, pulis at bombero para naman sa seguridad.

Ngayong taon ay itinaas ng 25.87% ang tax goal ng BIR –RDO 43-A na aabot sa P43,658,998 habang ang kabuuan ng kawanihan ay itinalaga na makakolekta ng P2.3 trillion.

Positibo naman si Ranario na kaya nilang maabot ang tax goal. EUNICE C.

Comments are closed.