BAGONG LTO EXTENSION OFFICE BUKAS NA SA PUBLIKO

CEBU- INIHAYAG ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na ilalapit ng ahensya ang kanilang sebisyo sa mamamayang Pilipino bilang bahagi ng tagubilin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa ilalim ng Bagong Pilipinas.

Ito ay sa pamamagitan nang pagbubukas ng isa pang LTO Extension Office sa publiko partikular sa Naga City sa Cebu.

Sinabi ni Mendoza na ang karagdagang extension at satellite offices ay magpapatibay sa patuloy na full digitalization efforts ng lahat ng serbisyo ng LTO mula sa aplikasyon at pag-renew ng driver’s license hanggang sa aplikasyon at pag-renew ng pagpaparehistro ng sasakyan.

“Our digitalization efforts, along with our plans to open more satellite and extension offices, would make it easier for the Filipino people to enjoy fast and comfortable services of the LTO,” ayon kay Mendoza.

“It’s long-term benefits are in line with the advocacy of our Department of Transportation Secretary Jaime J. Bautista for the safety of all road users, being one of the primary mandates of your LTO,” dagdag pa nito.

Noong Huwebes, nagtungo si Mendoza sa Naga City sa Cebu para sa inagurasyon ng LTO Extension Office.

Sa kanyang talumpati, hinimok ng LTO chief ang mga kawani sa lungsod at  buong Central Visayas na isabuhay ang mithiin ng Bagong Pilipinas ng Pangulo, at ito ay ang mabilis at komportableng serbisyo sa mamamayang Pilipino.

Hinikayat din nito ang lahat ng opisyal at empleyado ng LTO na ipagpatuloy ang pagpapalawig ng libreng Theoretical Driving Course sa pinakamaraming mahihirap na Pilipino.

EVELYN GARCIA