BAGONG LUGAR NG PHILIPPINE EAGLE NAKITA SA ANGAT WATERSHED–DENR

phil. eagle

BULACAN – NAGHAHANDA na ang lalawigan sa Philippine Eagle Week  na nagsimula nito lamang Hunyo 4 hanggang 10, kung saan nakitang lumilipad ang mga agila sa Angat watershed.

Ayon kay Provincial officer Emelita Li­ngap ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), na  nakapagbigay na siya ng report sa Regional Office-3 para sa assistance at kompirmasyon ng Philippine Eagle.

Aniya,  nakatanggap na sila ng report noong nakaraang buwan ng Mayo  kaugnay sa sightings ng endangered species na Agila, kasabay nito ay  agad silang  naglagay ng streamer posters na may  message na “Save the Philippine Eagle” sa mga strategic na lugar sa Angat watershed.

Matatandaang sa mga nakalipas na dekada una nang naglabas ng statement ang DENR-3 regional office, sa tulong na rin ng mga wildlife expert at biologists na patuloy ang  kanilang monitoring sa mountain ranges ng Sierra Madre sakop ng Nueva Ecija at Aurora sa presensya ng Philippine Eagle.

Nabatid na Hunyo 2016,  may mga  magsasaka ang  nakakita sa  juvenile female Philippine Eagle, na tinatayang nasa edad tatlong taon, matapos mahuli sa “silo” na ginagamit sa panghuhuli ng unggoy sa  bahagi ng  Aurora Memorial National Park.

Una nang na turned over   sa Community Environment and Natural Resources (CENRO) sa Dingalan  at kalaunan  ay inilipat sa kustodiya ng Biodiversity Management Bureau (BMB)  na tinawag na “Agawid” sa wikang Ilocano na ang ibig sabihin ay “umalis na” kung saan noong Mayo 2017 ay ibinalik na ang 5.31 kilograms na agila sa National Park ng Aurora. THONY ARCENAL

Comments are closed.