PANGASINAN – LIGTAS ang kasisilang pa lamang na sanggol na iniwan sa loob ng St. John the Evangelist Church sa lungsod ng Dagupan.
Sinabi ni Sr. Insp. Madonna Cabiles, chief ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD), alas-6:00 ng umaga kahapon nang madiskubre ng isang nurse, na magsisimba sana, ang iniwang sanggol na babae sa loob ng simbahan.
Agad nitong dinala sa pinakamalapit na ospital para masuri at matanggal ang umbilical cord na senyales na kasisilang lamang dito.
Ayon pa kay Cabiles, nai-turn over naman na ang sanggol sa City Social Welfare and Development na siyang pangunahing nangangalaga sa mga paslit at kabataang wala nang magulang.
Samantala, iniimbestigahan at tinitingnan nila ang mga kuha ng CCTV sa lugar upang malaman kung sino ang nag-iwan ng sanggol sa loob ng simbahan na maaaring maharap sa kasong may kinalaman sa Re-public Act 7610 o mas kilala bilang Anti-Child Abuse Law. MHILLA IGNACIO
Comments are closed.