MULA sa Philippine Military Academy “Makatao Class 1989” ang itinalaga ni Navy Flag Office in Command Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo na manunungkulan bilang bagong pinuno ng Philippine Marines.
Kasunod ito ng ginawang change of command at retirement of honors ceremony sa nagretirong si Maj.Gen. Nathaniel Casem na ginanap sa Marine Barracks Rudiardo Brown, Taguig City.
Si Casem ay hinalinhan ng season combat officer na Maj General Ariel Reyes Caculitan bilang ika-33rd Marine commandant na isa ring naval aviator na nakakuha ng “Best Flying” award.
Mataas ang tiwala at kumpiyansa ni Bacordo kay Caculitan na pamunuan ang Philippine Marines dahil isa ito season combat officer, accomplished at highly skilled Marine Officer na na-assigned sa ibat ibang puwesto.
Kilalang combat officer din si Caculitan na nakatalaga sa Maimbung,Sulu bilang commanding officer ng MBLT-4.
Ayon kay Caculitan, sa kanyang panunungkulan bilang bagong Marine Commandant ay tutukan nito ang apat na major capabilities ng Philippine Marines.
Kabilang dito, ang National Manuever Amphibious Force, Coastal Defense, Special Operations at Humanitarian Aid and Disaster.
Nakatakda rin palakasin ni Caculitan ang Reserve Force Development partikular ang integration ng mga Marine Reservists sa regular force.
Si Caculitan ay naging pinuno rin ng Naval Reserve Command. VERLIN RUIZ
Comments are closed.