BAGONG MERALCO BILL KAABANG-ABANG

“ANG LIWANAG ng Bukas”.

Iyan ang tagline ng Meralco. Ngunit tila hindi lamang ang patuloy na serbisyo sa pagbibigay ng koryente ng Meralco ang maliwanag kundi pati ang bagong bersyon ng bill nito na nakatakdang ilunsad ng kompanya sa Setyembre.

Ayon sa Meralco, mas maliwanag at mas madaling basahin ang bagong bersyon ng bill nito. Bukod sa bago nitong itsura, may mga karagdagang impormasyon ding nakapaloob na naglalayong matulungan ang mga customer na maintindihan ang kanilang buwanang bayarin sa koryente.

Unang maaaring mapansin ay ang pagbabago sa sukat ng papel ng bagong Meralco bill. Ang bagong bersyon ay mas malaki sa orihinal na bersyon nito. Hindi lamang ang sukat ng papel ang lumaki kundi pati ang sukat ng mga letra at numero nito kaya inaasahang mas madali na para sa mga customer ang pagbabasa ng mga impormasyon ukol sa bill.

Tiyak na kapansin-pansin din ang nakakahon na impormasyon na may kulay na sky blue sa kanang itaas na bahagi ng bill. Makikita rito ang mga importanteng detalye gaya ng kabuuang halaga ng kailangang bayaran, ang due date, at ang 10-digit na Customer Account Number o CAN. Mas madali na ang pagbabayad nito sa online dahil mas madali nang makita ang mga impormasyong ito.

Upang matulungan ang mga customer tungkol sa konsumo ng kanilang koryente, minabuti ng Meralco na isama sa bill ang datos ng konsumo ng account sa loob ng nakalipas na 24 buwan. Ito ay upang mas madaling paghambingin ang konsumo. Sa ganitong paraan ay mas madaling malaman kung talaga bang tumaas ang konsumo sa partikular na buwan o kung ito ay pareho lamang noong nakaraang taon. Ang paghahambing na ito ay makikita sa anyo ng isang bar graph na nasa harap ng bill.

Magiging mas madali na rin para sa customer ang magtipid ng konsumo dahil kasama sa bagong impormasyong isinama ng Meralco sa bagong format ng bill ang konsumo kada buwan at kada araw, kasama ang karampatang presyo nito.

Para naman sa mga customer na nalilito sa kung anong Meralco bill na ang nabayaran, hindi na kailangan pang mag alala, Binigyang solusyon ito ng Meralco. Sa halip na isa-isahin pa ang mga lumang bill at kaysa maghanap pa ng mga lumang resibo, isinama na ng kompanya ang huling anim na transaksyon ng pagbabayad ng customer. Nakasaad ang kumpletong detalye gaya ng halagang binayaran, petsa kung kailan ito binayaran, at kung saan ito binayaran. O, hindi ba? Talagang pinadadali na ng Meralco ang mga bagay na ito para sa kanilang mga customer.

Para sa mga commercial na customer nito, upang matulungan ang mga negosyo na masigurong nasusulit nito ang paggamit ng mga pasilidad at ng koryente nito, may seksyon kung saan nakasaad ang billed na demand at ang aktuwal na konsumo nito. Mayroon ding graph kung saan inilalarawan ang kontribusyon ng demand at konsumo sa bill ng negosyo kada buwan.

Para sa mga customer na maaaring lumipat sa tinatawag na contestable market, maaari nitong gamitin ang Meralco bill sa pakikipagnegosasyon sa mga Retail Electricity Suppliers o RES dahil nakasaad na rin ang load factor dito.

Mayroon ding bahagi ng bill kung saan pinaghahambing ang aktwal na demand at ang minimum billing demand ng customer. Maaari na ring makita ng customer ang power factor nito. Ang power factor ang ginagamit na basehan upang malaman kung sulit ba ang paggamit ng mga makinarya at iba pang dekoryenteng pasilidad.

Sa ilalim ng pamumuno ni Meralco President at CEO Atty. Ray Espinosa, nagdagdag din ang Meralco ng mga impormasyon na may kinalaman sa epekto ng paggamit ng koryente sa kapaligiran. Makikita na rin sa bill ang katumbas na greenhouse gas emission ng konsumo ng customer. Layunin ng impormasyong ito ang paalalahanan ang mga customer ukol sa responsableng paggamit ng koryente.

Napakaraming kaabang-abang na pagbabago sa bagong bersyon ng Meralco bill. Ang bagong bersyon na ito ay nakatakdang makita ng mga customer sa Setyembre. Batay sa mga impormasyong ito, tiyak na mas madali na intindihin ang bayarin sa koryente buwan-buwan. Higit sa lahat, makatitipid na rin sa oras ang mga customer dahil sa halip na tumawag pa sa hotline ng Meralco o bumisita sa pinakamalapit na opisina nito, ang mga impormasyon na karaniwang inihihingi ng paglilinaw ng mga customer ukol sa bill ay nakasaad na sa bagong bersyon nito.

185 thoughts on “BAGONG MERALCO BILL KAABANG-ABANG”

  1. Pingback: 3inhospitable
  2. drug information and news for professionals and consumers. п»їMedicament prescribing information.
    stromectol otc
    Actual trends of drug. Read information now.

  3. Read information now. Drugs information sheet. https://amoxicillins.online/ buy amoxicillin online without prescription
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Some are medicines that help people when doctors prescribe.

  4. What side effects can this medication cause? Read information now.
    new ed treatments
    safe and effective drugs are available. Some are medicines that help people when doctors prescribe.

  5. Prescription Drug Information, Interactions & Side. Definitive journal of drugs and therapeutics.
    how to cure ed
    Definitive journal of drugs and therapeutics. Get information now.

Comments are closed.