NADISKUBRE ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang bagong modus na cash o money smuggling.
Ayon kay BOC-NAIA District Collector Mimel Talusan, nadiskubre ng kanyang mga tauhan ang nasabat na pera nang idaan ito sa x-ray machine na tina aabot sa $12,000 ($100 dollar bills) na may katumbas na P500,000.
Ayon pa sa impormasyon, ang naturang foreign currencies ay ipinadala via air cargo galing pa sa Arkansas, USA at ibinalot sa aluminum foil, at inilagay sa loob ng cellular phone box.
Dumating ito noong Miyerkoles, Hulyo 31, 2019, sa Ninoy Aquino International Airport sa pamamagitan ng isang international courier mula sa nasabing na lugar sa Estados Unidos .
Ayon kay Talusan, ang nasabing foreign currencies ay kukumpiskahin dahil sa paglabag sa Section 1400 in relation to Section 113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). FROI MORALLOS
Comments are closed.