HINDI madali maging isang bagong Mommy. Kahit na mayroon nang access sa internet, iba-iba pa rin ang mga karanasan ng bawat mommy o daddy. May mga paniniwala ang nakatatanda na paso na, pero pinipilit pa rin dahil gumana di umano sa kanila. Kaya lang minsan, imbis na makabuti ang mga payong ito ay nakasasama pa.
Malaking tulong ng pagkakaroon ng mga support groups, kung saan nalalaman ng mga parent members ang mga pinagdadaanan ng mga kapwa newbie at beterano sa pagiging magulang. Nagpapayo rin ang mga eksperto at sa palagay ko, dapat ay sa kanila tayo manuwala. Narito ang mga makalumang paniniwala o advice na marahil narinig mo na, at ang sabi ng mga eksperto ukol dito.
7 makalumang payo na bahala ka kung gusto mong sundin
1. Huwag paliliguan si baby pag may ‘r’ ang pangalan ng araw. That means, huwag paliliguan si baby kung Martes at Biyernes
Parang may point naman si granny, kasi, ayon sa isang pediatrician sa Philippine Children’s Hospital sa Quezon City, hindi kailangang paliguan si baby araw-araw. Tatlong beses lang daw sa isangg linggo. Pero pwede raw namang punasan kapag hindi pinaliguan, lalo na ngayong mainit ang panahon. Yet, hindi bawal paliguan si baby kung Martes at Biyernes.
2. Punasan si baby ng mainit na tubig at alcohol kapag nilalagnat.
Honestly, ganito ako inalagaan noong bata pa ako. May kasama pang orange softdrinks at instant noodles o kaya naman, goto.
Pero sabi ni Dr. Milagros Wonchai-Lim, isang magaling na pediatrician, hindi dapat ginagamitan ng alcohol ang bata. Maaaring magkaroon ito ng toxic effect sa baby.
3. Hindi dapat palaging kinakarga si baby dahil masasanay.
Wala raw epekto ito sa baby, pero palagay ko, psychologically, meron. Mas nagiging close ang ina sa baby o sa kung sino mang madalas kumarga sa kanya, at nagiging mas malambing siya paglaki dahil nararamdaman niyang mahal siya ng lahat. Medyo nakakapagod nga lang at masakit sa braso.
4. Hindi pwedeng bakunahan si baby kung may sipon o sinat.
Sabi sa Regional Health Unit (RHU), pwede naman. Minsan, nakakalagnat talaga ang bakuna, pero mas mahalaga pa ring mabakunahan ang baby sa tamang schedule.
5. Kailangan i-sterilize ang mga bote ni baby palagi.
Ayon sa nabasa ko sa isang medical magazine na published sa U. S., dapat lamang i-esterilize ang bote pagkabili, bago ito ipagamit sa baby. Pwede raw hugasan na lamang ito ng tubig at sabon. Pero para sa akin, mabuti na ang sigurado. Madaliing mapanis ang gatas. Pakuluan na lang ang bote at least once a day para siguradong ligtas si baby.
6. Dapat daw, may feeding schedule ni baby.
Sa totoo lang, kahit kailan, hindi ko ito sinunod. Breastfed ang dalawa kong anak at pinadedede ko sila kahit anong oras na magutom sila. Alam ni baby kung kelan siya nagugutom, at kung kelan siya gutom, doon mo lamang siya padededehin, hindi yung gigisingin mo para dumede.
7. “Gifted” raw ang mga batang nauuna sa mga milestones.
Naku, yan ang huwag na huwag mong paniniwalaan. Talagang may mga batang matagal mag-develop sa mga unang taon ng kanyang buhay at meron namang talagang mabilis. Environment ang dahilan niyan. Kaming dalawa ng kuya ko at ang dalawa kng anak ay natutong magbasa at the age of three dahil tinuruan kaming magbasa sa edad na ‘yan.
Pero hindi kami genius. At palagay ko, hindi rin genius si DSDr. Jose Rizal. Nasgkataon lang na magaling magturo ang nanay niya kaya natuto siyang magbasa sa edad na tatlo – tulad namin.
O, hayan po, naipaliwanag na ang dapat ipaliwanag. Bahala na kayo kung maniniwala kayo o hindi.