INAASAHANG darating sa bansa ang mga bagong rails mula Japan sa third quarter ng taon sa gitna ng isinasagawang rehabilitasyon ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3).
“Over 50 percent of the rails are ready for shipment from Japan, and are expected to arrive in the Philippines in the third quarter of this year (July – August 2019) — several months earlier than its scheduled date of delivery,” wika ng DOTr.
Sa pagdating sa Port of Manila, ang Nippon Steel-made rails ay dadalhin at ihahanda para sa instalasyon ng laydown yard ng tracks malapit sa Parañaque Integrated Transport Exchange.
Umaasa ang DOTr na magiging maayos na ang takbo ng MRT-3 trains sa pagkumpuni sa wheel lathe machine nito noong nakaraang Marso at sa nalalapit na pagpapalit ng lahat ng mainline tracks nito.
“With the repair of MRT-3’s wheel lathe machine last March and the upcoming replacement of all of MRT-3’s mainline tracks, MRT-3’s will be running smoother and with less vibration. Vibration is one of the enemies of any mechanical and electrical equipment, and is one of the causes of MRT-3’s breakdowns in the past,” ayon pa sa ahensiya.
Binisita ng Factory Acceptance Test team ng DOTr, sa pamumuno ni MRT Director for Operations Michael Capati, kasama si-na Asian Development Bank rail expert Peter Raeside at TES Philippines chairman Kiyoshi Morita, ang Japanese steel firm Nippon Steel sa Fukuoka, Japan noong Huwebes upang inspeksiyunin ang mga bagong rails na ilalagay sa MRT tracks.
Nauna rito ay sinabi ng consortium ng Sumitomo, Mitsubishi Heavy Industries and TES Philippines (Sumitomo-MHI-TESP) na ang mga bahagi ng light rail vehicles para sa railway system ay darating sa Hulyo habang ang tracks at signaling components ay nakatakdang dumating sa Agosto.
Ang Sumitomo-MHI-TESP ang magsasagawa ng overhaul ng lahat ng 72 light rail vehicles ng MRT-3, magpapalit sa lahat ng mainline tracks, magre-rehabilitate sa power at overhead catenary systems, mag-a-upgrade sa signaling system, communications at CCTV systems, at magkukumpuni sa lahat ng escalators at elevators ng MRT-3.
Ang MRT rehabilitation project ay inaasahang magpaparami sa mga bibiyaheng train mula 15 sa 20 sa peak hours, magdodoble sa train operating speed mula 30 sa 60 kilometers per hour, magpapabilis sa waiting time ng 3.5 minuto lamang mula sa 7-10 minuto at magpapataas sa train capacity sa 650,000 pasahero kada araw mula sa 300,000.
Inaasahang matatapos ang proyekto sa loob ng 43 buwan kung saan ang rehabilitation works ay na-katakdang makumpleto sa unang 26 buwan. PNA
Comments are closed.