TARLAC CITY-OPISYAL nang nanungkulan kahapon si Lt. Gen. Ernesto Torres Jr. isang Elite combatant bilang bagong Commander of Northern Luzon kasunod ng donning ceremony para sa kanyang third-star rank sa ginanap na Change of Command ceremony na pinangunahan ni AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino sa Camp Aquino, Tarlac City .
Si Lt Gen Torres ay dating Commander ng 10th Infantry Agila Division na responsible sa pag wasak sa 3 guerilla fronts sa Mindanao at pag neyutralisa sa may 280 Communist Terrorist Group members kabilang ang mga high value target sa loob lamang ng walong buwan.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang Commander ng 1003rd Infantry Brigade na may saklaw sa Davao City at bahagi ng Davao del Norte at Bukidnon ay nadakip ng kanyang mga tauhan ang ilang infamous Communist personalities gaya ng Bayan Muna Representative Satur Ocampo at ACT Teachers Party list Representative France Castro, dagdag pa sa matagumpay na pag- dismantle ng Guerilla Front Committee 54 at tatlong NPA formations sa kanilang unit area of operations mula 2017 hanggang 2019.
Tiniyak ni Torres na itutuloy niya ang mga magandang napasimulan na Lt. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos Jr at Maj. Gen. Costelo na kanyang hinalinhan para tuluyang nang magapi ang mga nalalabing communist terrorist group at iba pang threats sa security ng Northern at Central Luzon. VERLIN RUIZ