MAY bago nang obispo ang Diocese of Pagadian sa Zamboanga del Sur, sa katauhan ni Father Ronald Lunas.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang bishop-elect na si Lunas ay parish priest ng St. Joseph the Worker Parish sa Sta. Cruz, Davao del Sur.
Itinalaga siya ng Santo Papa sa bagong posisyon dakong 7:00 ng gabi nitong Huwebes o 12:00 ng tanghali sa Roma.
Papalitan ni Lunas sa puwesto si Redemptorist Bishop Emmanuel Cabajar, 76, matapos na tanggapin ng Santo Papa ang pagbibitiw nito.
Mananatili naman munang apostolic administrator ng diocese si Cabajar hanggat hindi pa pormal na nanunungkulan sa bagong posisyon si Lunas.
Si Lunas ay ipinanganak sa Bala, Magsaysay, sa Diocese of Digos noong Nobyembre 27, 1966.
Naordinahan siyang pari para sa Digos Diocese noong Abril 7, 1992, at naitalaga bilang parochial vicar sa parokya ng Immaculate Conception sa Caburan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.