BAGONG OIC NG DAVAO CITY POLICE ITINALAGA

MULING nagtalaga ng bagong director sa Davao City Police at ito ay sa katauhan ni PCol. Hansel Marantan kapalit ni PCol. Sherwin Butil na kakatalaga lang kamakalawa.

Ang pagtatalaga ni Police Region Office 11 Regional Director PBGen. Nicolas Torre III kay Butil ay kasunod ng reassignment ng dating hepe ng DCPO na si Col. Lito Patay na ilang oras lang naitalaga sa nasabing police command.

Sinabi naman ni PRO 11 Spokesperson Major Catherine dela Rey epektibo ang nasabing kautusan simula noong Miyerkules, Hulyo 10.

Samantala, pamumunuan naman ni Patay ang Regional Operations Division ng Police Regional Office 11 habang si Col. Alberto Lupaz naman ang hahalili sa binakanteng posisyon ni Butil na pinuno ng Regional Information and Communications Technology Management Division.

Matatandaang sinibak ni Torre III ang Director ng Davao City Police Office kasama ang 19 station commanders matapos sa umano’y discrepancy reporting hinggil sa mga naganap na patayan at rape sa nasabing lungsod.

Nadiskubre ni Torre na pumalo na sa 22 ang biktimang ng pamamaslang at 41 ang kaso ng panghahalay sa nasabing lungsod sa loob ng unang limang buwan ng 2024 o mula Enero hanggang Mayo 2024 o katumbas na 1 killing, 2 rape cases kada Linggo.
EUNICE CELARIO