HALOS lahat ng mga Filipino ay naniniwala na sasalubungin nila ang pagpasok ng Bagong Taon ng may pag-asa sa halip na mangamba.
Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS), tatlong araw bago ang pagpasok ng bagong taon na nasa 96 porsiyento ng 1,200 Pinoy ang nagsabing haharapin nila ang 2020 nang puno ng pag-asa sa halip nang may takot.
Isinagawa ng SWS ang kanilang survey sa may 1,200 adults nitong Disyembre 13 hanggang 16.
Ayon sa pag aaral, apat na puntong mas mataas ito sa naitalang bilang ng mga Filipino na umaasa ng mas magandang hinaharap kumpara noong taong 2018.
“Hope for the New Year has always been high,” ayon sa SWS .
Pahayag pa ng SWS ang pagiging positibo o pagkakaroon ng magandang pananaw ng mga Filipino sa tuwing papasok ang bagong taon ay lagi ng mataas at hindi ito bumaba sa 80 bahagdan mula ng magsagawa ng survey ang SWS simula taong 2000.
Lumitaw rin sa resulta ng pag-aaral na lumaki ang bilang nga mga Filiino na umaasa ng mas magandang buhay sa pagpasok ng bagong taon sa lahat ng lugar sa Filipinas maliban sa Mindanao na nagpakita ng pagbaba ng apat na puntos.
Sumirit sa 97 porsiyento ng mga Filipino sa Visayas ang umaasa na magkakaroon sila ng magandang kinabukasan ngayong pagpasok ng Bagong Taon na mas mataas ng 18- percentage point mula sa kanilang nakaraang survey.
Habang sa Luzon ay lumobo ito at nagtala ng 99 percent na mas mataas ng 3 percentage points mula sa kanilang nakalipas na record.
Dalawang puntos naman ang itinaas sa Metro Manila na umakyat ngayon sa 96 porsiyento.
Maliban sa Mindanao na sumipa pababa ang kanilang “optimism” sa pagsalubong ng 2020 na bumaba sa 90 percent, o nabawasan ng apat na puntos mula sa kanilang dating 94-percent hope level noong taong 2018. VERLIN RUIZ
Comments are closed.