HALOS 90 porsiyento nang tapos ang ginagawang paliparan sa Panglao, Bohol.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito ang kauna-unahang eco-airport sa bansa na itinatayo sa Panglao.
Tinaguriang ‘Green Gateway to the World’, kayang ma-accommodate ng itinatayong paliparan ang hanggang dalawang milyong pasahero sa opening year pa lamang nito.
Ang paliparan ay may lawak na 13,337 square meters at may inisyal na 2,500 meters runway.
Kakayanin nitong makapag-facilitate ng pitong aircraft, kabilang ang mga long-range na commercial planes na ginagamit sa international routes.
Comments are closed.