BAGONG PANGANAK NA PULIS IGINUPO NG COVID-19

HINDI man lang nakapiling ng 31-anyos pulis na ang kanyang bagong silang na sanggol na lalaki dahil pumanaw ito sa COVID-19 sa Banga, South Cotabato.

Tiniyak naman ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Guillermo Eleazar na tutulungan nila ang mga inulila ng nanay na pulis at susuportahan ng organisasyon ang kanyang sanggol.

“Sinisiguro ko na maghahatid tayo ng tulong sa kanyang mga naulila. Higit sa lahat, hindi natin pababayaan ang bagong silang na sanggol ng ating policewoman na nagbigay ng tapat na serbisyo sa bayan,”ani Eleazar.

Ang biktima ay nagpositibo sa COVID-19 noong Agosto 5 nang isailalim sa antigen test at habang naghihintay sa resulta ng kanyang RT-PCR test ay nanganak noong Agosto 10.

Ilang araw na-confine sa ospital ang policewoman at bago pa dumating resulta muli ng RT-PCR test ay pumanaw ito.

Ang biktima ay ika-97 na sa mga namatay sa PNP bunsod ng COVID-19.

Inatasan naman ni Eleazar ang mga police commander na magbuo ng special arrangement sa mga buntis na pulis upang hindi na maulit ang sinapit ni Patient No. 97.

“Lubhang delikado para sa kanila ang ma-deploy at ma-expose sa COVID-19. Dapat unahin natin ang kanilang kaligtasan at kalusugan pati ng batang kanilang dinadala,” ani Eleazar. EUNICE CELARIO

8 thoughts on “BAGONG PANGANAK NA PULIS IGINUPO NG COVID-19”

  1. 964564 891845Thank you for this. Thats all I can say. You most surely have created this into something thats eye opening and critical. You clearly know so much about the topic, youve covered so many bases. Fantastic stuff from this part with the internet. 14560

Comments are closed.