PORMAL nang nanungkulan bilang bagong hepe ng Pasay City police si Col. Byron Tagle Tabernilla na pumalit kay outgoing police chief Col. Cesar Paday-Os sa isang simpleng turnover of office ceremony na ginanap nitong Agosto 26 ng umaga sa Session Hall ng Pasay City Hall.
Pinangunahan ni acting Southern Police District (SPD) director P/Col. Kirby John Brion Kraft ang pagsasagawa ng turnover ceremony na sinaksihan din ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.
Sa kanyang pribilehiyong pagsasalita, binigyang diin ni Tabernilla ang importansiya ng kooperasyon, impormasyon at suporta (Cooperation, Information and Support or CIS) dahil ito ang pangunahing konsepto na nararapat na sundin upang makamit ang ating mga gawain para mas mapagsilbihan at maprotekthan ang mga Pasayeños.
Sinabi ni Tabernilla na ang kooperasyon ay kailangan upang makamit ang layunin ng MKK=K Framework (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan Tungo sa Kaunlaran) at ang programang supplemental ng KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan) ng Chief PNP gayundin ang SAFE program ng Regional Director ng NCRPO na magbebenipisyo ang komunidad.
Dagdag pa ni Tabernilla na ang komunikasyon at pagpapakalat ng impormasyon ang pinakamahalaga upang maitaguyod ang magandang samahan na makakukha ng kooperasyon at suporta ng komunidad patungo sa pagkakaroon ng katahimikan at kaayusan ng lungsod.
Ibinida rin ni Tabernilla ang “Pulis Pasay Truly C.A.R.E. to Pasayeños” na kanyang ipatutupad sa bawat miyembro ng kapulisan sa lungsod sa pagganap ng kailang mga tungkulin.
Kinilala naman ng lokal na pamahalaan si Paday-os dahil sa kanyang makabuluhang accomplishments bilang outgoing chief of police at siniguro ang kanyang patuloy at buong suporta sa lokal na kapulisan sa ilalim naman ng pamumuno ni Tabernilla.
Kasabay nito, pinagkalooban din si Paday-os ng Medalya ng Kasanayan sa kanyang walang kapantay sa pagganap ng kanyang trabaho bilang hepe ng kapulisan ng lungsod.
Si Paday-os ay nalipat naman sa IT department ng National Capital Region Police Office (NCRPO). MARIVIC FERNANDEZ