IMINUNGKAHI ni Senador Francis Tolentino sa pamahalaan na pag-aralan ang panukalang pagsasapribado ng mga itatayong bagong kulungan sa bansa.
Layon ng panukala sa ilalim ng Senate Bill bilang 1055, na ihiwalay ng kulungan ang mga convicted sa henious crimes.
Iginiit ng senador, napapanahon ang kanyang panukala lalo na at masyado nang masikip ang mga kulungan sa rami ng bilang ng mga bilanggo sa kasalukuyan kumpara sa mga kulungan katulad ng Amerika at iba pang bansa sa ASEAN.
Gayunpaman, nilinaw nito, ang nasabing panukala ay para lamang sa mga bilanggong convicted ng non-heinous crimes.
Sinabi pa ni Tolentino, hindi na bago ang panukala dahil sa ipinapatupad na rin ito sa mga bansang Australia, Japan, Thailand, Mexico, Peru, South Africa, the United Kingdom at New Zealand.
Partikular na tinukoy nito ang kaso ng New Zealand na kung saan ay nabawasan ng kalahati ang gastos ng pamahalaan sa mga bilanggo dahil sa pagsasapribado ng mga piitan.
“The State can allow the private sector to completely build even on a PPP program from ground up, all the facilities including the landscaping at no expense to the government and the private sector will just maintain the non-sovereign functions (like) laundry, postal services, (but the prison facilities) will be still be guarded by the Bureau of Corrections,” ani Tolentino.
Isa sa panukala ng senador ay ang joint-venture sa pagitan ng government at pribadong sektor
“The private sector constructs at no expense to the government, the government maintains, but some functions will be given to the private sectors for a certain fee,” giit ni Tolentino. VICKY CERVALES
Comments are closed.