NOONG 1990s, isinilang ang haligi ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).
Ito raw ay ang one-stop shop, non-stop shop, red-carpet treatment, at no corruption. Sinasabing si dating Sen. Leila de Lima ang hepe ng PEZA noong mga panahong iyon.
Maraming dumaang pangulo sa bansa hanggang sa sumampa sa kapangyarihan si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Umarangkada ang mga one-stop shop.
Ngayon namang si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang nakaupo sa Malakanyang, ito ang kaayusan na pinupuntirya ng kanyang administrasyon sa layuning magpatupad ng pagbabago sa operasyon ng maraming tanggapan ng pamahalaan.
Sa katunayan, sinisimulan nang ikalat sa buong bansa ang malawakang service caravan.
Tinawag itong Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF).
Ayon sa Marcos administration, dadalhin ang caravan sa 82 probinsya.
Ibinida ng Presidential Communications Office (PCO) na layunin nitong ilapit sa mga mamamayan ang major government services.
Tampok dito ang flagship programs ng gobyerno gaya ng Kadiwa ng Pangulo, Passport on Wheels, Driver’s License registration o assistance, at marami pang iba.
Maaalalang pinangunahan ni Pangulong Marcos ang paglulunsad ng BPSF sa Nabua, Camarines Sur.
Sinabayan ito ng kaparehong aktibidad sa Laoag, Ilocos Norte na pinangunahan naman nina Presidential son at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Araneta Marcos III at sa Tolosa, Leyte sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez.
Kung hindi ako nagkakamali, si Special Assistant to the President Anton Lagdameo naman ang nanguna sa launching ng service caravan sa Poblacion Monkayo, Davao de Oro.
Sabi nga ng presidente, “magkakahiwalay man ang ating mga isla, pinagbubuklod-buklod naman tayo ng isang diwa at isang pangarap: isang Bagong Pilipinas para sa Bagong Pilipino.”
Kasama raw pala sa BPSF national secretariat ang Office of the President, Office of the Speaker, PCO, at House of Representatives.
Ang unang dalawang aktibidad ay nakapagtala ng hindi bababa sa 300,000 portal-registered Filipinos.
Handog ng BPSF ang sangkaterbang social services mula sa Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Food and Drug Administration (FDA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), National Food Authority (NFA), Office of Civil Defense (OCD) at Philippine Coconut Authority (PCA).
Para naman sa livelihood at educational services, aalalay sa mga mamamayan ang Department of Agrarian Reform (DAR), Commission on Higher Education (CHED), Department of Science and Technology (DOST), Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Skills and Development Authority (TESDA), DENR, OCD, at FDA.
Nariyan din ang extended services ng caravan mula sa Department of Foreign Affairs, Philippine National Police (PNP), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Bureau (LTFRB), Professional Regulations Commission (PRC), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Information and Communication Technology (DICT), Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System, PhilHealth, Pag-Ibig, Public Attorney’s Office (PAO), at Integrated Bar of the Philippines (IBP).
Ang mga ganitong programa ay tiyak na makatutulong at magpapabuti sa kabuhayan at katayuan ng mga mahihirap na Pilipino.
Kaya mahalagang inilalapit talaga sa ating mga kababayan ang mga ganitong serbisyo, lalong-lalo na sa mga kapus-palad.
Nararamdaman naman ng mayorya ng mga Pinoy na inuuna ng administrasyong Marcos ang interes o kapakanan ng mga naghihikahos na mamamayan.