BAGONG PINUNO SA AFP ITATALAGA SA SET.  24

Edgard Arevalo

CAMP AGUINALDO – NAIBIGAY na ng board of gene­rals ng Armed forces of the Philippines (AFP) sa Malacañang ang shortlist para pagpilian ng pangulo na maging susunod na AFP Chief of staff.

Ito ay dahil sa nakatakdang pagreretiro ngayong buwan ni AFP chief of staff Gen. Benjamin Madrigal kung saan itinakda ang change of command sa Setyembre 24.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, ang mga inirekomenda ng board of generals sa pangulo ay may mga ranggong three star.

Aniya, ang mga three star rank na ito ay galing sa anim na unified command, major services, national headquarters ng AFP at maging ang supt. ng Philippine Military Academy.

Naniniwala ang hanay ng AFP na sinuman ang mapili sa mga inirekomenda sa Pangulo ay may kakayahang pamunuan ang AFP batay na rin sa kanilang  karanasan at kakayahan. REA SARMIENTO

Comments are closed.