BAGONG PNP CHIEF IAANUNSYO NGAYONG ARAW

IAANUNSYO na ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon kung sino ang magi­ging kapalit sa puwesto ni PNP chief Ge­neral Dionardo Carlos na magreretiro na sa darating na Linggo, Mayo 8.

Sa talk to the people, sinabi ni Pangulong Duterte na nasa kanya na ang listahan ng mga posibleng pumalit kay Carlos bilang chief PNP.

Gayunpaman, nais munang pag-aralan ng Pangulo ang accomplishment o nagawa ng mga nasa listahan na kandidatong papalit sa puwesto ni Carlos.

Sinabi pa ng Pa­ngulo na kailangan din masuri nang husto ang kanilang kuwalipikas­yon at trust record.

Samantala, sinabi ni DILG Secretary E­duardo Ano na kanyang iaanunsyo kung sinuman ang mapipiling PNP chief kapag nalagdaan na ni Pangulong Duterte ang appointment nito.

Si Carlos ay mag­reretiro sa Mayo 8 sa edad na 56. BETH C