SINABI ni Finance Secretary Ralph Recto na ang mga ginawang pagbabago sa Bureau of Internal Revenenue (BIR) sa pamamagitan ni Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ay nagbigay ng malaking pag-asa sa Marcos administration para sa paglaki at pagtaas pa ng tax collections.
Ang pahayag ay ginawa ni Secretary Recto sa pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng BIR na dinaluhan din nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., House Speaker Martin Romualdez at ng iba pang piling panauhin sa Philippine International Convention Center (PICC).
Pinapurihan ni Presidente Marcos ang malaking pagbabagong naganap sa matagumpay na operasyon ng ahensiya sa ilalim ni liderato nina Secretary Recto at Commissioner Lumagui.
Nagbigay rin ng kani-kanilang pagbati sa nasabing okasyon sina Metro Manila BIR Director Ed Tolentino (South NCR), Albin Galanza (East NCR), Dante Tan (Makati City), Renato Molina (City of Manila) Bobby Mailig (Quezon City) at wrenolph Pangaiban, gayundin sina Revenue Assistant Commissioner Jetrhro Sabariaga at Metro Manila Revenue District Officers Mary Ann Canare (Mandaluyong City), Rommel Tolentino (San Juan City), Linda Grace Sagun (Pasig City), Alma Celestial Cayabyab (S.M.A.R.T.), Marco Yara (Cainta, Taytay), Deogracias Villar (Taguig City), Ester Rhoda Formoso (Pasay City), Arnel Cosinas (Parañaque City), Agakhan Guro (Las Piñas City), Dennis Floreza (Muntinlupa City), Renan Plata (North Makati), Clea Mare Pimentel (East Makati), Celestino Viernes (West Makati), Abdullah Bandrang (South Makati), Agatha Kristie Buizon (Tondo), Caroline Takata (Binondo) Rebe De Tablan (Sta. Cruz), Cherry Ibaoc (Quiapo) Trinidad Villamil (Ermita), Jefferson Tabboga (Paco), Rodante Caballero (Palawan), Alexander Onte (Novaliches), Renato Mina (QC North), Lorenzo Delos Santos (South), Yolanda Zafra(Cubao), Estrella Manalo (Valenzuela City), Raymund Ranchez (West Bulacan), Romel Morente (East Bulacan), Teresita Lumayag (Malabon City), Frits Buendia (Caloocan City), at Antonio Mangubat Jr. (San Fernando South).
Ang makabagong estilo at sistema ng pangongolekta ng buwis ang dahilan kung kaya naka-goal ang BIR ngayong fiscal year.
“Ang aming 100% nationwide ISO certification, bagong BIR logo, at bagong BIR web portal ay nagsisilbing simbolo ng aming katapatan sa Bagong Pilipinas. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang tagumpay ng BIR, ito rin ay tagumpay ng ating mga taxpayers na makararanas ng mas maganda at mas mabilis na serbisyo sa aming ahensiya.
Ito po ang Bagong BIR, sa Bagong Pilipinas,” ani Commissioner Lumagui.
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng BIR ay inanunsiyo ang mga bagong tagumpay ng ahensya. Ito ay ang 100% nationwide ISO certification sa ilan sa mga serbisyo ng BIR, bagong BIR logo, at ang bagong BIR web portal.
Sakop ng ISO certification ang Operations Group (Revenue Regions, Revenue District Offices) at ang Large Taxpayer Service (LTS).
Ang ISO certification para sa Revenue Regions at Revenue District Offices ay para sa mga sumusunod na proseso at serbisyo:
1. Business Registration Process
2. Process of Retrieval and Verification of Batch Control Sheet Reports and Tax Returns from Authorized Agent Banks
3. Processing and Issuance of Tax Clearance and Certificates
4. Standards on the Processing of One Time Transactions
5. Processing of tax returns in the Document Processing Division particularly on Document Control and Data Capture Processe.
Ang mga sumusunod naman ay para sa LTS:
1. Registration Process [Certificate of Registration, Authority to Print Receipts and Books of Accounts]
2. Collection Process [Tax Clearance for Bidding Purposes, and Delinquency Verification Certificate]
3. ONETT Process [the onerous transfer of shares of stock not traded through the local stock exchange, and the donation of real and personal properties]
Ang pinagsamang mga ideya ng mga revenuer at taxpayer ang bumuo sa bagong BIR, patunay ng pagiging mas inklusibo ng ahensya.
Sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ay binuo ang bagong BIR web portal na magpapadali at magdi-digitize sa iba’t ibang serbisyo ng BIR. Layunin ng bagong web portal na gawing mas abot-kamay ang tax information, BIR updates, at eServices. Isa rin itong patunay ng patuloy na modernization ng BIR.