NAGPATUPAD ng mga bagong polisiya ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang madaliin ang paglilinis ng lahar sa mga baradong ilog alinsunod sa Department Administrative Order (DAO) No. 2018-23, katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH).
“The policies behind dredging are handled by different departments,” sabi ni MGB Director Atty. Wilfredo G. Moncano. “Dredging is covered by different bureaus in the DENR, and the DPWH.”
Nilinaw niya na ang pagkakaugnay ng iba’t ibang departamento at ahensiya ng pamahalaan ang nagpabagal sa aplikasyon ng mga license at permit pagdating sa dredging.
“The new guidelines delineate the jurisdiction of each department as it relates to dredging,” dagdag ni Dir. Moncano.
“River cleanups, for example, are under the DENR. Construction-related dredging falls under the DPWH. The MGB comes in when there is intent to distribute dredged silts and materials commercially.”
Ang mga polisiya ay ipinatupad upang mapabilis ang mga aplikasyon para sa dredging permits na magpapadali naman sa paglilinis ng mga ilog na barado ng lahar.
Binigyang-diin din ng ahensiya na kailangang magkaroon ng mas ligtas na dredging policy sa mga lugar kung saan isinasagawa ito alinsunod sa prayoridad ng MGB na pangalagaan ang kalikasan at kapakanan ng mga komunidad.
“At the end of the day, environmental protection and river restoration are the top priorities along with the safety of the local community,” ani Moncano.
Ang DAO No. 2018-23 ay ipinatupad kasunod ng talakayan sa pagitan ng MGB, DENR, at iba pang mga stakeholder noong April 2019. Kasama sa meeting na ito ang mga kinatawan mula sa DPWH, DENR, MGB, at mga dredging operator mula sa Zambales.
Comments are closed.