DAVAO CITY – Pinasinayaan kahapon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang bagong Mindanao office nito sa Davao Association of Catholic Schools Compound sa Champaca Street, Juna Subdivision sa Matina dito.
Pinangunahan ni Reverend Fr. Joel C. Caasi, parish priest ng San Lorenzo Parish sa Talomo, ang ceremonial blessing ng opisina. Dumalo sa okasyon sina PSC Chairman William I. Ramirez at PSC Commissioner Charles Raymond Maxey, kasama si Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph Encabo bilang special guest.
Sa kanyang mensahe ay ipinakilala ni Ramirez ang staff ng PSC Mindanao, sa pangunguna ni veteran journalist at professor Ed Fernandez bilang cluster head, at ang PSC staff mula sa Manila, kabilang si Philippine Sports Institute deputy director Marlon Mal-bog.
Binanggit din niya ang mandato ni Presidente Rodrigo R. Duterte na gawing accessible ang sports sa mahihirap.
“These words resonate the words of the school I came from with the mantra of the President’s preference for the poor. This PSC Mindanao office is centered on Mindanao sports for peace programs particularly on children. Promoting early peacemaking among children is important as it would become difficult to start it when they are grown up,” wika ni Ramirez.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paghahatid ng sports, hindi ang radikalismo at terorismo, sa Mindanao sa pagtamo ng pangmatagalang kapayapaan.
Nilinaw rin ni Ramirez na ang PSC Mindanao office ay hindi lamang magkakaloob ng mga pangangailangan ng sports communi-ty sa isla kundi magbibigay rin ng coaches education, consultative meetings, talent identification at makikipagtulungan sa iba’t ibang local government units (LGUs) at stakeholders sa pagsusulong ng sports development programs sa grassroots.
Comments are closed.