PINANGUNAHAN kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang change of command sa Presidential Security Group (PSG) na ginanap sa Malacañang Park.
Si PSG outgoing group commander na si Brig. Gen. Lope Dagoy ay itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong commanding general ng 802nd brigade ng Philippine Army na nakabase sa Leyte kapalit ni Brig. Gen. Francisco Mendoza Jr.
Si Dagoy na miyembro ng PMA Class 1987 ay papalitan ni Col. Jose Eriel Niembra na miyembro naman ng PMA Class 1991.
Sa simpleng seremonya ay isinalin ni Dagoy ang pamumuno ng PSG kay Niembra na nagsilbi ring Task Force Davao chief sa halos anim na taon hanggang sa maitalaga na deputy commander ng PSG.
Dumalo rin sa nasabing seremonya sina Defense Sec. Delfin Lorenzana, AFP Chief Lt. Gen. Carlito Galvez Jr. at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.