BAGONG PUWESTO SA 4 PNP SENIOR OFFICERS

APAT na puwesto ng senior officers ang gumalaw sa Philippine National Police (PNP) makaraang magretiro ang director ng Civil Security Group na si Maj. Gen. Ferdinand Daway.

Sa General Orders Number 227 alinsunod sa kapangyarihan ni The Chief Directorial Staff, Lt. Gen. Dionardo B. Carlos at ipinatupad naman ni Maj. Gen. Rolando Hinanay, The Director for Personnel and Records Management, itinalaga si Brig. Gen. Valeriano T. De Leon, dating regional director sa Police Region Office 3, bilang kapalit ni Daway.

Pumalit naman kay De Leon si Brig. Gen. Matthew Perlas Baccay; itinalaga naman bilang District Director ng NCR-Eastern Police District si Brig. Gen. Orlando Yebra.

Habang si Col. Rolando Destura bilang Acting Executive Officer, Directoratefor Information and Communications Technology Management.

Ang nasabing paggalaw o pagtatalaga sa bagong posisyon ay aprubado ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar.

Kahapon ay mismong si Eleazar ang nanguna sa turnover ceremony sa Police Regional Office 3 para sa pagtatalaga kay Baccay sa nasabing rehiyon.

Umaasa ang PNP chief na magagawa ng maayos ng apat na senior officers ang bagong tungkulin.
Hinimok din ni Eleazar na suportahan ng bawat yunit ang bagong balasang senior officers. EUNICE CELARIO