LUMAKI pa ang utang ng Pilipinas at umabot sa bagong record-high hanggang noong Pebrero ng kasalukuyang taon dahil sa patuloy na paghiram ng pamahalaan para tustusan ang COVID-19 re-covery measures na sinamahan ng paghina ng piso, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Sa datos ng bureau, ang total outstanding debt ng bansa ay pumalo na sa P12.09 trillion, tumaas ng 12.6% year-on-year. Mas mataas ito ng P63 billion kumpara sa January tally na P12.03 trillion, ang unang pagkakataon na ang foverall borrowings ay lumagpas sa P12 trillion.
“For February, the increment in external debt was due to the impact of peso depreciation against the USD (US dollar) amounting to ₱17.91 billion and the net availment of external obligations amounting to ₱3.25 billion. These more than offset the ₱2.74 billion reduction caused by adjustments in other foreign currencies,” ayon sa Treasury.
Ang local loans ay nasa P8.41 trillion o halos 70% ng kabuuang halaga na pangunahing sanhi net issuance ng government securities. Pumalo naman ang foreign borrowings sa P3.68 trillion na kumakatawan sa nalalabing 30%.
“Obligations guaranteed by the government stood at P416.2 billion as of end-February, lower than January and the same month in 2021. The government settled domestic and external guarantees worth P4.07 billion and P3.12 billion, respectively,” dagdag pa ng BTr.