INILUNSAD ng Robinsons Bank (RBank), sa pakikipag-partner sa Robinsons Retail Holdings Inc. (RRHI), ang bagong Robinsons Cashback credit card sa merkado, kung saan maaaring makakuha ang cardholders ng hanggang 3% rebate para sa iba’t ibang retail purchases.
“Robinsons Cashback Credit Card lets clients live life lighter and more rewarding as they earn rebates when they shop at any Robinsons store and other affiliated brands. For a minimum single receipt purchase of P3,500, users can earn a 3% rebate. If the transaction amount is below the minimum, a 0.50% rebate can be earned.”
Para sa non-Robinsons affiliate stores, ang cardholders ay maaari pa ring makakuha ng 1% rebate kapag ginamit para sa minimum single receipt purchase na P3,500.
Ang lahat ng makukuhang rebates ay awtomatikong ike-credit sa account tuwing billing date. Ang annual fee na P2,500 ay iwe-wave rin sa unang taon. Bukod dito, ang cardholders ay maaaring makakuha ng hanggang P20,000 rebates taon-taon.
Ang mga interesado ay maaaring mag-apply sa pamamagitan ng RBank branches, via SMS, sa pamamagitan ng QR codes sa in-store collaterals, o sa online www.robinsonsbank.com.ph.
Ang Robinsons Bank, kasama ang Robinsons Retail Holdings Inc., ay patuloy sa pag-develop ng mga produkto upang makapagkaloob ng rewarding shopping experience at iba pang benepisyo upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga customer.
Ang Robinsons Bank ay kinilala bilang “Best Commercial Bank in the Philippines” ng International Banker 2019 Banking Awards at “Fastest Growing Commercial Bank in the Philippines” ng Global Business Outlook (GBO) Awards 2019.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), sa kasalukuyan, ang RBank ay nasa ika-18 puwesto sa universal at commercial banks sa bansa na may assets na P118.9 B hanggang noong March 31, 2019.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa Customer Care Center (C3) sa (02) 637-CARE (2273) o mag-email sa [email protected]. (Available during weekdays 8AM – 8PM, Saturdays 8AM – 5PM & Sun-days 8AM – 12PM).