BINUKSAN na ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang panibagong ruta – ang Manila – Nanning sa China, at ito ay available tuwing Huwebes at Linggo.
Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, ang kanilang bagong eroplano Airbus A320 ay aalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) tuwing 5:50 ng hapon at darating ito sa Nanning 9:00 ng gabi sa kaparehong araw.
Kapag pabalik naman ng Maynila ay aalis ng Nannning, China ng 10:00 ng gabi at inaasahang darating sa NAIA ng 12:55 kinabukasan ng madaling araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Bukod sa Nanning, China route ng 4 star carriers, mayroon din silang Manila –Beijing, Guangzhou, (Canton) Hong Kong, Macau, Quanzhou (Jinjiang), Shanghai at Xiamen.
Sinabi ni Villaluna na nakatakda na ring buksan ng PAL ang iba pang lokal at international flights, kabilang sa Chitose sa Japan. FROI M
Comments are closed.