PARANAQUE CITY-ISINUSULONG ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang iba’t ibang safety measures to flatten the curve ng COVID-19 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals upang maibalik sa normal operation.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal ang nasabing safety measures ay ipatutupad sa NAIA Terminals, ito ay preparasyon para maibalik sa normal operation ang mga palipara sa kalagitnaan ng Mayo.
Ayon pa kay Monreal sa papamitan ng panibagong procedures lahat ng mga check-in counters ng airline companies ay magkakaroon ng pagbabago, sapagkat ito ay lalagyan ng acrylic barriers, upang mai-separate ang mga pasahero sa counter staff, at masunod ang physical distancing, bagkus nakasuot pa rin ang mga airlines staff ng preventive safety measures like plastic shield, mask, gloves and Personal Protective Equipment (PPE).
Sa kasalukuyang ang apat na terminals sa Ninoy Aquino International Airports (NAIA) ay mayroon 300 check-in counters, bukod dito ang boarding at disembarkation gates, kung saan ito ay aayusin din, bilang pagsunod sa bagong protocols, at maging ang mga upuan ay babaguhin ng sa gayon masunod ang social distancing.
Dagdag pa ni Monreal ang mga sahig ay lalagyan ng mga marka para malaman ng mga pasahero kung saan dapat sila tumayo habang nakapila papunta sa check-in counters suot ang mandatory face mask sa loob ng terminals.
Buko sa sa mga bagong procedures, ongoing ang cleaning processes sa mga airport facilities, sapagkat ayon pa kay Monreal ang COVID-19 pandemic ay hindi pa tapos ang laban sa sakit na ito.
Ayon naman kay MIAA Media Affairs Division (MAD) chief Jess Martinez, bibigyan nila ang kanilang mga MIAA personnel ng mga washable facemasks bilang tugon sa kakulangan ng face mask sa bansa.
Aniya, ang airport management ay nakapag-ditribute na sa kanilang mga MIAA personnel ng 15,000 face masks, at bago pa ipag-utos ang mandatory pagsusuot ng face mask ng IATF nakapamigay na sila sa kanilang mga tauhan sa naia.
Ipinag-utos din ni Monreal sa mga manpower operators sa naia terminals, katulad sa mga ground handling, security guards, utility workers at building attendants, na magsuot ng face mask habang naka duty sa mga airports. FROI MORALLOS