BINUKSAN sa publiko nitong Lunes ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang satellite office sa Las Piñas.
Sinabi ni Commissioner Morente, naglagay ng satellite office sa lugar na ito upang mabigyan ng mabuting serbisyo ang tumataas na bilang ng mga dayuhan na naninirahan sa lugar na ito.
Ang opisinang ito ay kabahagi ng iba pang ahensiya ng pamahalaan o ang tinatawag na Government Service Express (GSE), na matatagpuan sa Ground Floor ng SM SouthMall.
Naisakatuparan ito sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng SM Southmall, na nagkaloob ng isang space para maisakatuparan ang minimithing ser-bisyo na ipagkakaloob ng BI sa mga foreigner na nakatira sa bandang timog ng Metro manila.
Nakatakdang buksan ang iba pang satellite office ng BI sa mga lugar ng Palayan City Business Hub sa Nueva Ecija sa taong ito. FROI MORALLOS
Comments are closed.