LAGUNA – MATAPOS mapaulat ang namatay na inabandonang kasisilang pa lamang na sanggol sa bayan ng Nagcarlan may ilang araw lamang ang nakararaan, nadiskubre naman sa Brgy. Casile lungsod ng Biñan ang sinunog na sanggol kamakalawa ng gabi.
Ayon sa inisyal na ulat ni Supt. Ronan Claravall, hepe ng pulisya, sinasabing nadiskubre ng mga residente sa lugar ang sinunog na sanggol sa loob mismo ng Generosa Ville Subdivision bandang alas-6:30 ng gabi.
Kitang-kita pa sa ipinalabas na larawan ng pulisya ang kabuuang bahagi ng katawan ng sanggol habang ang pusod nito ay hindi pa napuputol.
Dahil dito, patuloy na nangangalap ngayon ang pulisya ng posibleng tumestigo at nakasaksi sa naganap na insidente bago dinala sa lugar at sunugin ang biktima ng hindi pa nakikilalang mga suspek.
Kaugnay nito, kasalukuyang sumasailalim sa pag-awtopsiya ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang bangkay ng biktima. DICK GARAY
Comments are closed.