HINATI na sa anim ang Barangay Silang sa Caloocan City.
Ang nasabing barangay ay pinakamalaki sa buong Pilipinas at alinsunod sa Republic Act Number 11993, hinahati na sa anim ang Bagong Silang o ang Barangay 176.
Dahil nahati na ang nasabing barangay, kakailanganin ng mga bagong barangay chairmen na siyang mamumuno sa bawat isang barangay.
Alinsunod sa RA No. 11993, inatasan nito ang Commission on Elections na magsagawa ng plebesito sa loob ng 90 araw.
Layunin nito na maihalal ng mga apektadong residente kung sino ang magiging ama sa barangay o chairman.
Kasama rin dito ang pagtatalaga sa mga opisyal ng barangay mula secretary, treasurer at magiging pinuno ng barangay health office.
Dahil bubuo ng mga bagong barangay hall sa lungsod, asahan mataas ang aktibidad sa nasabing lungsod.
Kapag may eleksyon, sangkap na ang iringan kaya dapat paigtingin ang pagbabantay sa lungsod.